
Sino, bakit, at dapat si
RONAN IRA CARINGAL
Personal Information
Si Ronan Ira Caringal ay ipinanganak noong Abril 15, 1977, sa Poblacion 1, Balayan, Batangas, lumaki sa Barangay 11, at kasalukuyang naninirahan sa Santol, Balayan, Batangas. Anak siya nina Teresita “Tessie” De Guzman Ira na nagmula sa lahi Palikpikan Sanpiro at Poblacion, Balayan, Batangas, at Rodolfo “Ude” Caringal na tubong Patugo at Lucban, Balayan, Batangas, na nagturo sa kanya ng kasipagan, integridad, at malasakit sa kapwa. Ang asawa n’ya ay si Maria Criselda Atasan Caringal mula sa Lanatan, Balayan, Batangas, at isang mapagmahal na ama sa kanilang anak na si Ron Gabriel Atasan Caringal. Sa kanyang malalim na pagmamahal sa kanyang bayan, isinusulong niya ang mga programang may tunay na malasakit sa edukasyon, kabuhayan, at serbisyong pampubliko. Sa kanyang dedikasyon at malawak na karanasan, patuloy siyang nagsisikap upang maitaguyod ang isang mas maunlad at progresibong bagong Balayan para sa susunod na henerasyon.
Natapos niya ang kanyang elementarya sa Balayan East Central School at ipinagpatuloy ang kanyang sekondaryang edukasyon sa Balayan National High School. Kumuha siya ng kursong Accountancy sa Immaculate Conception College at nag-aral din sa Batangas State University Nasugbu, kung saan tinapos niya ang kursong Education major in Physical Education. Hindi natapos ang kanyang pagsisikap sa pag-aaral, kaya pinagpapatuloy niya sa University of Batangas, ang kanyang Master’s Degree sa Sports Science.
Sa kanyang propesyonal na karera, nagsimula siya sa pribadong sektor bilang empleyado ng Jollibee Balayan at sa JPC, isang authorized distributor ng Procter & Gamble. Sa kanyang pagseserbisyo sa gobyerno, naging bahagi siya ng Municipality of Balayan, kung saan unang naitalaga sa Treasurer’s Office (Land Tax Division) at kalaunan ay nalipat sa Mayor’s Office sa panahon ng magaling na Mayor na si Mayor Benjie Martinez. Nagkaroon din siya ng pagkakataong maglingkod sa Office of the Vice Governor, Nas Ona, na nagpatibay pa lalo ng kanyang kaalaman sa pampublikong administrasyon.
Sa larangan ng edukasyon, mahigit 24 taon siyang nagturo sa STI Balayan, kung saan hindi lamang siya naging guro kundi naging adviser at choreographer ng STI Dance People. Bukod pa rito, siya rin ay naging STI Sports Coordinator, na nagtaguyod ng mga programang pang-isports at pagpapalakas ng kakayahang pisikal ng mga estudyante.
Sa larangan ng pagsayaw, isa rin siya sa mga naging miyembro ng sikat na dance group noong 1990s, ang The BoyzVille, na nagbigay inspirasyon sa maraming kabataan sa mundo ng sining at pagganap.
Bilang tagapagtaguyod ng sining at kultura, siya ang founder ng Balayan Summer Dance Camp, isang programang tumutulong sa mga kabataan na mapaunlad ang kanilang dancing skills at personalidad. Sa kanyang malasakit sa kabataan, aktibo rin siyang namamahagi ng mga bag at school supplies upang matulungan ang mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral.
Maliban sa kanyang propesyonal na karera, siya rin ay isang aktibong miyembro ng Knights of Columbus at may malalim na pananampalataya bilang isang sakristan, lector, at choir member sa Parokya ng Immaculate Conception.
Sa kanyang malawak na karanasan sa edukasyon, negosyo, at pampublikong serbisyo, patuloy niyang isinusulong ang makabuluhang pagbabago at kaunlaran para sa kanyang komunidad.