Ito ang ilan sa ating mga nais bigyan ng pansin kapag tayo nasa konseho
Pinalakas na Scholarship Program
Hindi lamang para sa may mataas na grado kundi pati sa mga may natatanging talento sa sining, sports, at iba pang larangan
Pagtutok sa Pag-aaral ng Kabataan
Sisiguraduhin nating mas maraming kabataan ang makakapagtapos sa tulong ng suporta at programa ng pamahalaan.
Pagtatanggol sa Karapatan ng mga Guro
Lalo na ang mga pribadong guro na madalas nakakaligtaan. Isusulong natin ang pagkakaroon ng financial assistance para sa mga guro na nais pang palawakin ang kanilang kaalaman.
Pagpapalakas ng Sports para sa Kabataan
Maglalaan tayo ng mga programa at pasilidad upang mahubog ang talento ng ating kabataan sa larangan ng palakasan